BODY SHAMING | Iza Calzado, matapang na sinagot ang isa niyang basher

Manila, Philippines – Hindi nakapagpigil ang aktres na si Iza Calzado na sagutin ang komento ng isang netizen na pumuna sa kaniyang katawan.

Komento ng netizen sa instagram post ng aktres, para na raw maraming anak si Iza at may mga chubby naman na firm ang katawan at hindi masagwang tignan lalo pag naka-bikini.

Sabi pa ng netizen, magandang mukha pero lawlaw na lawlaw naman raw ang katawan ng aktres to think hindi pa ito nagkakaanak.


Positibong sagot naman ni Iza, tanggap niya ang hugis ng kanyang katawan.

Mababatid na naging open si Iza na pag-usapan ang kanyang pagbabawas ng kanyang timbang.

Sa ngayon, binura na ng nasabing netizen ang negatibong komento sa IG post ni Iza.

Facebook Comments