BODY SHAMING | Solenn Huesaff, ipinagtanggol ang sister in law na si Anne Curtis

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ngayon ni Solenn Heusaff ang kaniyang sister in law na si Anne Curtis sa mga body shaming netizens.

Nabatid na nagsimula ang pamba-bash nang mag-post si Solenn sa Instagram ng isang larawan kasama ang kanyang mga magulang, ang asawang si Nico Bolzico, ang kapatid na si Erwan Heussaff at asawa nitong si Anne.

Sa comments section, may netizens na pumansin sa timbang ni Anne at inakala pang buntis ito ngayon kung sana nilinaw naman ng TV host/actress na hindi siya buntis at ang anggulo lamang ng shots maging ang kinaing egg tart kaya nagmukhang malaki ang tiyan niya.


Dahil dito, kaliwa’t kanang batikos at body shaming ang binato kay Anne na siya naman ikinagalit ni Solenn.

Buwelta ni Solenn, hindi kanais-nais at hindi tama ang ipahiya ang isang tao dahil lamang sa itsura ng katawan nito.

Sa huli, sinabi pa ni Solenn na kadalasan itong ginagawa ng mga “tita” sa Pilipinas bilang paraan ng pagbati, pero hindi raw magandang kaugalian ito bilang panira sa isang taon.

Facebook Comments