Bodyguard na sinuntok daw ni Matteo Guidicelli, nakipag-areglo sa halagang P200,000

9746
Images from IG/Matteo Guidicelli and Aksyon sa Tanghali.

Hindi na magsasampa ng kaso ang bodyguard na si Jerry Tamara laban sa aktor na si Matteo Guidicelli.

Ito ay matapos siyang makipag-ayos sa pamunuan ng Viva Entertainment Inc. sa pamamagitan ng founder at chairman nitong si Vic del Rosario.


Si del Rosario, o kilala bilang Boss Vic, ang humahawak sa career ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Batay sa Youtube post ng programang Raffy Tulfo In Action, nakipag-areglo si Tamara sa halagang P200,000.

Nagkaharap ang magkabilang kampo, Miyerkoles ng gabi, sa opisina ng Viva Entertainment Inc. sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Isinama ng bodyguard ang mamamahayag sa pulong dahil dito lamang siya “nagtitiwala”.

Ayon kay Boss Vic, humihingi si Tamara ng P1.5 million bilang danyos sa panunutok daw sa kaniya ni Guidicelli. Pero ang counter-offer lamang nila ay P100,000.


Gumulong daw ulit ang negosasyon at nagkasundo ang dalawang panig sa P200,000 settlement.

Matatandaang dumulog siya sa tanggapan ni Tulfo para ireklamo ang pananakit ng aktor na naganap daw sa reception ng kasal ng dalawa sa Shangri-La Hotel at The Fort, sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City noong Pebrero 20.

Facebook Comments