Tatlong menor de edad na sa Dagupan City ang nahuling gumagamit ng improvised paputok o ipinagbabawal na boga ngayong Disyembre ayon sa pulisya.
Ayon Kay Dagupan City Chief of Police PLTCOL. Brendon Palisoc, unang linggo pa lamang ng Disyembre nakahuli na ang mga ito ng Menor de edad na gumagamit ng boga sa Isang subdivision.
Dahil dito, pinagsabihan ang mga magulang ng mga nahuling Menor de edad na gabayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang anumang insidente na may kaugnayan sa paputok.
Payo ng kapulisan na mainam na bilhan na lamang ng ligtas na pampaingay ang mga bata tulad na lamang ng torotot.
Sa Republic Act No. 7183, ang paggawa at pagbebenta at paggamit ng boga ay ipinagbabawal dahil sa maaring panganib na dulot nito. Maaring makulong ng anim na buwan hanggang Isang taon at magmulta ng 20k-30k. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨