Pahirapan pa rin ang sitwasyon ngayon sa Bohol, dalawang linggo, matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Bohol Governor Arthur Yap na mas marami pa ring lugar sa kanilang probinsya ang wala pa ring kuryente at mayroong pa ring higit 20 munisipalidad ang hindi pa rin nila ma-contact.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naitaas na aniya sa 56,000 ang kabuuang bilang ng food packs na ipadala sa probinsya.
Habang kahapon, nai-deposit na rin aniya ng National Housing Authority ang ₱55 million at hinihintay na lamang nila ang distribusyon nito para sa 11,000 benepisyaryo.
Ayon sa gobernador, hinihintay rin nila ang ₱28 million na magmumula sa Office of the President at karagdagan pang ₱10 million para sa assistance to indigents in crisis situation.