Bohol province, may dalawang kaso na ng Delta variant

Nakapagtala na ang probinsya ng Bohol ng kaso ng Delta variant sa lalawigan.

Ayon sa Bohol Inter-Agency Task Force (BIATF), ito ay ang dalawang kaso na na-detect sa Tagbilaran City at Candijay town.

Ang unang kaso ay nagtatrabaho sa labas ng lungsod habang ang ikalawa ay isang Overseas Filipino Worker (OFW).


Naka-rekober na ang ikalawa sa COVID-19 at mayroong contact sa isang infected.

Itinuturing naman ni Tagbilaran City Mayor John Geesnell Yap II na nakakaalarma ang presensiya ng Delta variant kaya pinayuhan ang mga residente na magpabakuna na.

Sa ngayon, umabot na sa isa ang Alpha (UK) variant case sa lalawigan, 8 ang Beta (South African) variant at 14 ang P3 o variant under investigation (VUI).

Facebook Comments