BOKSINGERONG TUBONG MAPANDAN, HANDA NA SA KANIYANG UNANG SABAK SA INTERNATIONAL RING

Nag-aalab na kamao ang sasalubong sa makakatunggali ng isang Pangasinense sa kaniyang nakatakdang professional debut sa larangan ng boxing ngayong buwan sa bansang Thailand.
Ang tubong Mapandan na si Serr “The Big One” Delos Santos, ay handa nang ipakita sa international boxing ring ang bangis ng isang Pangasinense.
Kasama ang ilang mga professional champions, nahubog ang galing at liksi ni Delos Santos sa kaniyang training sa mga boxing gyms sa Lagawe, Ifugao at La Trinidad, Benguet.
At matapos ang halos anim na buwan na training ay handang handa nang lumaban si Delos Santos sa September 28, 2025 sa Bangkok, Thailand kung saan makakalaban nito ang Thai boxer na si Wanitwiphawee Naithakan.
Ang laban na ito ni Delos Santos ay tinaguriang “rise of the warrior” kaya naman buong puso din ang naging suporta ng mga kabaleyan nito sa Mapandan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments