BOL | 2.8 million, boboto sa plebisito para sa BOL – Comelec

Aabot sa kabuuang 2.8 million na mga botante ang makikiisa sa idaraos na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, nahigitan ng nasabing bilang ang target nilang 2.5 million na magpaparehistro para sa plebisito.

Inaasahan aniya nilang madadagdagan pa ang bilang ng mga botante dahil nakabinbin pa ang 99 na petisyon mula sa mga kalapit na Local Government Unit (LGU) na nais na mapabilang sa bubuuing bagong rehiyon.


Ayon pa sa Comelec, kasama sa mga boboto sa plebisito ang higit 150,000 na dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighters.

Facebook Comments