
Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Agosto 6 ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law (Bol) sa Malacañan.
Inaasahang dadaluhan ito ng mga opisyal mula sa Bangsamoro Transition Commission (BTC), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at iba pang lider mula Mindanao.
Ang BOL ay maituturing na isa sa centerpiece programs ng Duterte administration na layuning tapusin ang kaguluhan at patatagin ang kapayapaan sa Mindanao.
Nabatid na naudlot ang paglagda ng BOL noong ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte nitong Hulyo 23 dahil sa pagbabago ng liderato sa Kamara.
Facebook Comments










