Naniniwala ang dating Commissioner ng Human Rights na hindi sagot ang Bangsamoro Organic Law o BOL para sa minimithing kapayapaan sa Mindanao.
Ito ang pananaw nina dating Commissioner ng Human Rights Atty. Nasser Marohomsalic, Prof. Butch Valdez, ang pinuno ng Katipunan ng mga Demokratikong Pilipino at dating National Security Adviser and Defense Secretary Norberto Gonzales.
Bagaman umaasa anila sila na matutuldukan na ang kaguluhan sa Mindanao na daan-daang libo na ang mga nagbubuwis ng buhay.
Sa ginanap na forum sa Manila sinabi ni Marahomsalic, kailangang muling mahubog at mabago ang kultura at values ng mga tribu na bumubuo sa Muslim community.
Pananaw naman ni Prof. Butch Valdez, sakaling manalo, malaki pa ring suliranin ang idudulot nito dahil hati-hati pa rin ang mga tribu gaya ng MNLF at MILF isali pa rito ang mga interest ng mga dayuhang bansa sa Mindanao Region.
Paliwanag naman ni dating Secretary Gonzales, magiging masaya siya sa sandaling magtagumpay ang BOL lalo na kung magagamit ito sa dalawang noble intention.
Ngunit sa ngayon aniya, nakikita pa rin niya ang paggalaw ng mga traditional politician sa nagaganap na halalan sa Mindanao Region.