BOL | Kopya ng Bangsamoro Organic Law, hindi pa matatanggap ngayong araw ng Malacañang

Manila, Philippines – Kahit naratipikahan na ng Kamara ay hindi parin natatanggap ng Palasyo ng Malacañang ang kopya Bangsamoro Organic Law o BOL para pagaralan at lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, kahit nalagdaan na ni House Speaker Gloria Macapagal Arryo ang panukala ay kailangan pa itong dalhin sa Senado para lagdaan naman ni Senate President Tito Sotto III.

Pagkatapos aniyang lagdaan ay saka lang ito dadalhin sa Malacanang para naman pagaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito lagdaan at gawing isang ganap na batas.


Sinabi ni Go na ayon sa Presidential Legislative Liaison Office o PLLO ay malabong maibigay ng Senado ang kopya ng BOL ngayong araw sa Office of the President.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address o SONA na kailangan niya ng 48 oras sa oras na matanggap ito.

Siniguro ni lambino na walang dapat ipag alala ang mga mambabatas dahil mapupunta sa tama at kapaki pakinabang na proyekto at mga tao ang pondong mako kolekta ng gobyerno mula sa TRAIN law.

Facebook Comments