BOL | Mayorya ng kabataan, boboto ng "yes" sa gagawing plebisito – ayon sa survey ng International Alert Ph

Kung ngayon isasagawa ang plebisito para sa mga lugar na masasakupan ng Bangsamoro Organic Law, Determinado na bumoto ang mga kabataan na pabor para rito.

Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng NGO na International Alert Ph.

Ayon kay Nikki dela Rosa, ang alerts country manager, sa 614 na katao na na-survey nila, 89.4 percent ng mga respondent na may edad na 18 hanggang 35 ay pabor sa BOL.


kabilang sa mga lugar na sinailalim n sa survey ay ang mga area ng ARMM, siyudad ng Isabela at Cotabato at Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sa Lanao Del Norte at anim na bayan ng North Cotabato.

ginawa ang survey mula October 29 hanggang November 19.

Itinakda sa January 21 ang plebisito sa BOL.



Facebook Comments