BOL | MILF, hindi ikinadismaya ang hindi pagkakaratipika ng Kamara sa BOL

Manila, Philippines – Hindi ikinadismaya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang hindi pagkakaratipika ng kamara sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay MILF Peace Panel Chairman Mohagher Iqbal, wala silang naramdamang pag-alala lalo at ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na agad itong lalagdaan kapag ipinasa na ito ng kongreso sa kanya.

Sa ngayon, wala pang natatanggap na opisyal na abiso ang MILF mula sa Mababang Kapulungan kung mararatipikahan na nila ito ngayong araw, July 24.


Facebook Comments