Niratipikahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang Bangsamoro Organic Law o BOL.
Sa sesyon ng Comelec en banc na tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers (NPBOC), inanunsyo nito ang pag-ratipika sa BOL.
Ito ay matapos ang canvassing ng lahat ng certificates of canvass na mula sa mga lugar na kasali sa ginawang plebesito noong January 21, 2019.
Sa botong 1.5 million na botong yes at hindi bababa sa 194,000 na botong no, naiproklamang ratipikado na ang BOL.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sa pag-ratipika sa BOL, nangangahulugang binubuwag na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Sa ngayon, hihintayin naman ng Comelec ang susunod na canvassing para sa inclusion sa mga lugar na gustong sumali sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.