Manila, Philippines – Naniniwala si House Deputy Speaker Munir Arbison na blatantly misguided, erroneus at misleading ang petisyong kumukwestyon sa constitutionality sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Mababatid na hiniling ng Probinsya ng Sulu, sa pamamagitan ni Gov. Abdusakur Tan II, sa Korte Suprema na i-review ang legality at constitutionality ng BOL dahil nagkaroon umano ng grave abuse of discrestion amounting to lack or excess of jurisdiction ang Kongreso nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang BOL.
Tiwala si Arbison sa constitutionality ng BOL dahil dumaan ito sa masusing pag-aaral at debate sa pagitan ng Senado at Kamara bago pa man ito naipasa at tuluyang naging batas.
Kung tutuusin, suportado ng mga lider sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa mga munisipalidad sa Sulu ang peace efforts ng pamahalaan kagaya na lamang nang paglalagda sa BOL.
Sa ngayon ay nahaharap sa petition for certiorari and prohibition ang BOL sa Supreme Court.
Iginiit pa ni Arbison na ginagamit lamang ngayon umano ni Tan ang kanyang posisyon para sa pansariling interes.