BOL | Plebisito ng BOL, isasagawa sa 2 magkahiwalay na araw – Comelec

Manila, Philippines – Dalawang magkahiwalay na araw ang kakailanganin para sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez – bagaman at masusunod ang orihinal na plano ng komisyon na isagawa ito sa Enero 21, ay limitado ang lugar na pagdarausan nito.

Kabilang sa mga ito ay ang ARMM, Basilan, Cotabato City, Isabela City.


Sa Pebrero 26 ay gaganapin ito sa mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, Pigkawayan North Cotabato.

Kasama rin ang Lanao del Norte maliban sa Iligan City.

Sa ngayon, nasa halos 100 ang Bangsamoro petition for inclusion ang nakabinbin sa Comelec.

Facebook Comments