BOL | Plebisito sa Bangsamoro Organic Law, dalawang araw na isasagawa ng COMELEC

Manila, Philippines – Inihayag ng Commission on Election o COMELEC na dalawang araw na isasagawa sa magkahiwalay na lugar ang Plebisito patungkol sa Bangsamoro Organic Law o BOL.

Ayon kay COMELEC Spokesman Executive Director James Jimenez, layon nito na maresolba ang mga Petition para sa Involuntary Inclusion sa Plebisito.

Para sa mga lugar na bumubuo sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City, Basilan at Cotabato City, tuloy ang plebisito sa orihinal na itinakdang araw na Enero 21, 2019.


Dagdag pa ni Jimenez na sa Pebrero 6, 2019 idaraos ang Plebisito sa Lalawigan ng Lanao del Norte, puwera ang Iligan City; mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, and Pigkawayan sa North Cotabato; at ang iba pang lugar na malapit sa Bangsamoro core areas kung saan ang mga Local na pamahalaan sa lugar ay humiling na isali sila sa Plebisito; o ang 10% ng mga rehistradong botante sa isang LGU na dumulog sa Comelec upang mapabilang sa gaganaping Plebisito.

Paliwanag ni Jimenez, mayroong 99 na nakabimbing Petition para sa Inclusion sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Facebook Comments