π—•π—”π—•π—”π—˜ 𝗑𝗔 π—£π—œπ—‘π—”π—šπ—•π—”π—‘π—§π—”π—”π—‘ π—”π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—žπ—”π—šπ—”π—ͺ𝗔𝗗 𝗔𝗧 π—šπ—¨π—₯𝗒 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 𝗖𝗔π—₯π—Ÿπ—’π—¦, π—§π—œπ— π—•π—’π—š

Inaresto ng pulisya ang isang 20 anyos na babae sa San Carlos City matapos nitong pagbantaan ang isang barangay kagawad ng Barangay Rizal at isang guro.

Kinilala ang suspek na si Geraldine Llorca, residente ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binantaang papatayin umano ng suspek ang nakaalitan nitong guro na si Pedro Peralta.

Ipinatawag umano ang dalawa ni Mary Jenet Nitafan , kasalukuyang Barangay Kagawad upang pag-usapan ang kanilang hindi pagkaka unawanlan.

Hindi umano nakipag ayos ang suspek at binantaan din ang barangay kagawad.

Dahil dito, inilapit na ng barangay kagawad sa PNP San Carlos ang pangyayari.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Grave Threats and Resistance Disobedience to a Person in Authority sa suspek na kasalukuyang naka kulong sa PNP San Carlos City. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments