BOLINAO FALLS AT PATAR PUBLIC BEACH SA BAYAN NG BOLINAO, BAWAL MUNA PANSAMANTALA SA PUBLIKO AYON SA AWTORIDAD

Ipinagbabawal na muna pansamantala sa mga bisita at turista ang pagbisita at pagligo sa mga pamosong Patar Beach at Bolinao Falls sa bayan ng Bolinao.
Epektibo ngayong araw ng ika-19 ng Hulyo ang naturang kautusan dahil sa kasalukuyang current nito kung saan ayon sa Bolinao Tourism Office ito ay dahil sa above normal na lebel ng tubig at malakas na agos ng tubig sa Bolinao Falls habang nananatili naman ang malalakas na alon at agos sa Patar Beach.
Ang desisyon ay ipinatupad dahil para sa kaligtasan ng publiko at upang hindi na makapaminsala ang nagbabadyang panganib sa mga pamosong pasyalan sa bayan.

Mahigpit na paalala ng awtoridad sa publiko na bawal muna pansamantala ang iba’t ibang uri ng aktibidad gaya ng paglangoy, pagligo at iba pa.
Panawagan ngayon ng Bolinao Tourism Office na na makipag-koordinasyon muna at sa humihingi ang awtoridad ng paumanhin para sa anumang abala na maaaring idulot ng pagsasara ng mga ito. |ifmnews
Facebook Comments