Sa bisa ng Executive Order No. 70, series of 2024, mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, paggamit, at pagbebenta ng anumang uri ng paputok sa bayan ng Bolinao.
Ang kautusan ay inilabas upang maprotektahan ang mga residente mula sa mga insidente kaugnay ng paputok, lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Bolinao Mayor Alfonso Celeste, mas mainam na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay bilang bahagi ng mas ligtas na selebrasyon. Dagdag pa niya, ang hakbang na ito ay layuning magbigay ng mas tahimik at ligtas na kapaligiran para sa mga mamamayan.
Sa ilalim ng kautusan, ang sinumang lalabag ay maaaring kumpiskahin ng mga paputok ng mga awtoridad, kabilang ang kapulisan at Bureau of Fire Protection (BFP).
Bilang dagdag na aksyon, itinalaga ang bawat Barangay Council upang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng regulasyon sa kanilang mga nasasakupan. Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na makiisa sa kampanyang ito at iwasan ang anumang paglabag upang masiguro ang maayos at ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨