Isasagawa ang isang Tourism Caravan sa bayan ng Bolinao bilang pakikibahagi ng Tourism Office sa pagdiriwang ng World Tourism Month 2025.
Bilang pakikibahagi, isa sa aktibidad na isasagawa ay ang pag-promote sa mga lokal na tourist destination sa bayan at iba pang serbisyong kanilang alok.
Pagpromote din ito sa pagkakaroon ng kamalayan pagdating sa mga nararapat na practives sa sektor ng turismo at matiyak na ang lahat ng establisyimento na may kinalaman sa turismo ay nakakamit ang mga panuntunan sa kaligtasan at serbisyong hatid.
Pagpapatibay rin ito ng ugnayan sa komunidad at mabigyan sila ng kaalaman sa nasabing sektor pati na rin iba pang oportunidad na maaaring makuha rito.
Samantala, nakasaad naman sa official facebook page ng Bolinao Tourism Office ang iskyedul ng mga aktibidad na gaganapin sa ilang barangay mula ngayong araw, September 2 hanggang September 26, 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









