BOLINAO, WAGI BILANG DESTINATION OF THE YEAR SA BUONG PILIPINAS

Likas na mayaman ang pilipinas pagdating sa mga pasyalan tulad ng beaches, island, cultural and historical sites, natural wonders, at urban center na tiyak swak sa travel goals ninyo.
Sa kauna-unahang pagkakataon, wagi ang bayan ng Bolinao, Pangasinan bilang destination of the year sa katatapos lang na 58th founding anniversary ng Department of Tourism noong September 8, 2025 sa okada manila, paranaque sa pangunguna ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco.
Labis na ikinatuwa ni Mayor Jesus “boyeng” Celeste ang pagkilala sa bayan ng Bolinao bilang destination of the year, ayon sa kanya isang malaking karangalan ang pagkapanalo nila dagdag niya pa ito ay bunga ng pagsisikap ng buong bayan upang itaguyod ang turismo at paunlarin ang yaman ng kanilang bayan.
Ayon naman kay Mary De Guzman-Suarez senior operation tourism officer ng LGU Bolinao, hanggang ngayon parang panaginip pa rin para sa kanya ang pagkilala sa kanilang bayan, dahil nahigitan lang naman nila ang ibang mga mas kilalang pasyalan sa bansa tulad ng bohol at boracay na ilan sa mga top tourism spot sa Pilipinas.
Isa rin sa naging susi ng tagumpay nila ay ang patuloy na pakikipag ugnayan sa mga lgu para pagpapatupad ng mga best practices at training development sa turismo.
Tumanggap ang lgu bolinao ng tropeo bilang pinakamataas na parangal na iginawad ng DOT.
Pinahayag din ng department of tourism na isasama ang bayan ng Bolinao sa nalalapit na internation travel fair sa 2026 kung saan ipapakita ang bayan ng bolinao bilang world class Philippine Destination.
Isang patunay na ang pangasinan ay may natatanging ganda na maipagmamalaki sa buong Pilipinas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments