BOLOGNA EXPLOSION | DFA, kinumpirmang nasa 10 Pilipino ang naapektuhan ng nangyaring pagsabog sa Italy

Italy – Sampung Pilipino ang kabilang sa mga naapektuhan ng fuel tanker explosion na naganap malapit sa Bologna Airport sa Italy.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing mga Pinoy ay nakatira sa mga apartment na kabilang sa mga napinsala sa pagsabog.

Sabi naman ni consul general irene susan natividad, kabilang sa 10 Pinoy ay dalawang menor de edad at dalawang sanggol.


Sa ulat ng Reuters, dalawa ang nasawi at mahigit 60 tao ang nasugatan sa naturang insidente.

Nabatid na nasa 20,000 Pilipino ang naninirahan sa Emilia Romagna Region, kung nasaan ang Bologna.

Nag-ugat ang pagsabog matapos bumangga ang tanker truck na naglalaman ng inflammable materials sa likod ng isa pang truck.

Facebook Comments