BOLOGNA EXPLOSION | DFA patuloy na inaalam ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Italy

Italy – Patuloy na inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan at sitwasyon ng mga Pilipino sa Italy matapos ang nangyaring pagsabog makaraang magbanggaan ang isang car transporter at fuel tanker malapit sa Bologna Airport noong Lunes.

Sa nasabing insidente, 2 ang nasawi habang nasa pitumpu naman ang naitalang sugatan.

Ayon kay Consul General in Milan Irene Susan Natividad patuloy ang ginagawa nilang ugnayan sa mga otoridad sa Italia upang malaman kung may Pinoy casualties.


Kasunod nito nagpaabot na ng pakikiramay ang DFA sa mga naulilang pamilya na nasawi sa nasabing insidente.

Sa datos ng DFA, mayroong 20,000 Filipinos sa Emilia Romagna Region, malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.

Facebook Comments