Bolts, nadismaya matapos makuha ng Ginebra si Jared Dillinger

Opisyal nang miyembro ng Barangay Ginebra Kings ang PBA veteran na si Jared Dillinger matapos siyang kunin mula sa “unrestricted free agents” list ng Meralco Bolts.

Tinapos ni Jared Dillinger ang anim na taon niyang pamamalagi sa Meralco.

Ayon kay Meralco Bolts team manager Paolo Trillo – hindi niya inaasahang lilipat si Dillinger dahil mayroon silang “gentleman agreement” na mananatili siya sa grupo noong nilagay siya sa listahan dahil sa kanyang quad injury.


Dagdag pa niya – nadismaya siya dahil sa maraming taong sinuportahan nila si Dillinger

Gayumpaman, pinili na lang muna ng Ginkings na mag-move on.

Facebook Comments