Bolts panalo laban sa Batang Pier; 126-123

Panalo ang Meralco Bolts kontra NorthPort Batang Pier dahil sa double overtime game sa 2019 PBA Philippine Cup na nagtapos sa iskor na 126-123.

Pumasok ang laro sa overtime matapos ang alley-hoop shot ni Chris Newsome.

Nawalan naman ng saysay ang 33 points ni Stanley Pringle at 31 points ni Sean Anthony para sa NorthPort.


Humataw ang Batang Pier sa buong laro pero nakahabol ang Bolts at lumamang

Pumabor naman sa Batang Pier ang unang overtime pero nabigo sila na tapusin ang laban dahil sa sunod-sunod na tira nina Newsome at Nico Salva.

Inangat naman ni Baser Amer ang Meralco matapos niya itala ang 8 sa kanyang 23 puntos sa pangalawang overtime.

Facebook Comments