Isang magandang halimbawa ang bolunyaryong pagbaba sa pwesto ng Brigade Commander ng PMA Corps of Cadets na si Cadet First Captain Ram Michael Navarro sa mga opisyal ng AFP.
Ayon kay ni AFP spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo ang kusang loob na pagbaba ni Cadet 1st Class Navarro sa pinakamataas na posisyon bilang “baron” ng corps of Cadets ay “commendable” at dapat pamarisan ng ibang mga lider.
Sinabi ni Arevalo, bilang isang “future officer” ng AFP, ipinakita ni Cadet 1st Class Navarro na ngayon pa lang ay naisasabuhay niya na prinsipyo ng “command responsibility”.
Nilinaw naman ni Brigadier General Romeo Brawner, commandant ng Corps of Cadets, na ang pagbaba sa pwesto ni Navarro ay hindi nangangahulugan na paglabas niya sa PMA.
Ayon kay Brawner, baba lang ng pwesto at magiging brigade operations officer na si Navarro, habang papalit bilang brigade commander ng corps of Cadets si Cadet 1st Class Marion Dale Cordova.
Paliwanag ni Brawner ang posisyon ng brigade commander ng Corps of Cadets ay katumbas ng student council president sa pribadong sektor.