Boluntaryong pagsusuot ng face mask para sa mga estudyante sa loob ng classrooms, hindi dapat ipatupad

Pabor ang Kabataan Partylist sa pagpapatupad ng 100% face-to-face classes pero mariin ang pagkontra nito sa boluntaryong pagsusuot ng face mask para sa mga estudyante sa loob ng classrooms at iba pang indoor o kulob na lugar sa paaralan.

Nangangamba si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na mauwi sa peligro ang pagpapatupad ng optional masking sa mga estudyante dahil hindi naman sila isinasailalim sa regular na COVID-19 testing.

Bunsod nito ay iginiit ni Manuel sa mga school officials na mahigpit pa ring ipatupad ang pagsusuot ng face mask sa mga mag-aaral bilang proteksyon laban sa COVID-19 na isang airborne disease.


Sabi ni Manuel, ito ay sa kabila ng hindi pagsunod ng mga opisyal ng ating gobyerno sa payo ng mga health experts na pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask.

Giit ni Manuel, ang mga mag-aaral ay dapat matiyak na ligtas at malusog para madali silang matuto.

Facebook Comments