Boluntaryong pagtulong sa pamilya ni Percy Lapid, isinulong sa Kamara

Hinikayat ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., ang mga kasamahang mambabatas na boluntaryong mag-ambagan ng pera para maibigay na tulong sa pamilya ng pinatay na mamamahayag na si Percival Mabasa o Percy Lapid.

Sa inihaing House Resolution 508 ay sinabi ni Barzaga na ang lahat ng donasyon ng ibang kongresista ay kokolektahin ni House Secretary General Reginald Velasco, hanggang Nov. 30, 2022.

Binanggit ni Barzaga na siya ay may ₱100,000 na “voluntary contribution” sa pamilya ni Lapid.


Nauna nang naglabas ang Kamara ng ₱5-million na pabuya sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon laban sa mga nasa likod ng pagpatay kay Lapid.

Giit ni Bargaza, bukod sa reward ay mahalaga ring tulungan ang pamilya Mabasa na ngayon ay nahaharap sa pananakot at mga pagbabanta sa kanilang buhay.

Facebook Comments