BOMB ATTACK | 95, patay habang 160, sugatan sa panibagong pagpapasabog sa Kabul, Afghanistan

Afghanistan | Pumalo na sa 95 ang patay habang halos 160 na ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Kabul, Afghanistan.

Sa ulat, lumampas sa security checkpoint ang isang ambulansya na puno ng pampasabog na minamaneho ng attacker.

Pinasabog nito ang sasakyang sa central area malapit sa Interior Ministry Building, isang ospital at ilang diplomatic buildings.


Inaasahan pang lolobo ang bilang ng casualties.

Inako ng grupong Taliban ang pag-atake.

Facebook Comments