Bomb attack sa Sulu, kinundena publiko, pinagiingat at pinaalerto sa kanilang mga lugar

Kinukundena ni Deputy Speaker Mujiv Hataman ang nangyaring bombing attack sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.

Ayon kay Hataman, ang mga terrorist attacks at iba pang acts of violence ay maituturing na inhuman at tiyak na gagawa ang mga ito ng paraan para hindi magtagumpay ang kapayapaan.

Aniya pa, bagamat wala namang inosente na nasaktan o nasawi sa insidente hindi dapat magpaka-kampante ang gobyerno at ang publiko.


Pinayuhan ni Hataman ang publiko na maging alerto sa paligid at i-report ang anumang kahina-hinalang tao o aktibidad na mapapansin sa kanilang lugar.

Hiniling din ng kongresista sa mga otoridad ang malaliman at mabilis na imbestigasyon sa Indanan bombing at mapanagot ang mga nasa likod ng pambobomba.

Facebook Comments