Bukidnon, Philippines – Posible umanong ang mga na-recover na bomb detonating materials at matataas na kalibre ng baril ay inihanda para sa planong assassination kay Presidente Duterte makaraang bumisita ito sa Bukidnon noong kasagsagan ng selibrasyon ng Kaamulan 2017.
Isa ito sa mga tinututukang anggulo ng mga awtoridad matapos ma-recover ang mga gamit sa pambobomba sa Pine Hills Executive Homes, Purok 5, Barangay Casisang, syudad ng Malaybalay sa bukidnon.
Napag-alaman na base sa bisa ng isang search and seizure warrant, hinalughog ang pamamahay ni P/Supt. Maria Christina Nobleza sa naturang lugar at na-recover ang mga matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog.
Marahil hindi umano natuloy ang naturang plano pagpaslang sa Pangulo ng Pilipinas dahil na rin sa higpit ng seguridad nito habang nandito sa Bukidnon noong buwan ng Marso.
Sa ngayon nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspect dahil na rin sa pakikipagsabwatan nito sa hinihinalang bomb expert na miyembro ng Abu Sayyaf Group na di umanoy karelasyon rin nito.
DZXL558