Bomb expert at isa pang miyembro ng NPA, naaresto ng mga otoridad sa Bukidnon

Manila, Philippines – Naaresto ng mga otoridad ang dalawang miyembro ng New People’s Army o NPA sa Quezon, Bukidnon kahapon.

Ayon kay 4th ID Spokesperson Captain Joe Patrick Martinez na ang nadakip ay sina Ramil Cololot at ang pinaghihinalaang bomb expert ng npa na si Ruel Cololot.

Ipinaliwanag ni Martinez na nagka-engkwentro ang militar at mga miyembro ng NPA nang rumesponde ang mga sundalo dahil sa natanggap na report na may mga miyembro ng npa na nanghaharass sa area.


Nakuha mula sa posisyon ng dalawang suspek, ang mga armas, bala, mga improvised explosive devices, subersibong dokumento, laptop at Anakpawis Partylist ID.

Facebook Comments