BOMB JOKE | Byahe ng PAL patungong Cotabato, naantala

Manila, Philippines – Hawak na ng PNP Aviation Security Group ang isang lalakeng nagbiro hinggil sa bomba habang pasakay ng eroplano kaninang umaga sa NAIA

Ayon kay Cielo Villaluna tagapagsalita ng Philippine Airlines nag bomb joke ang hindi na pinangalanang lalake habang pasakay ng PAL Flight PR2959 patungong Cotabato.

Kasunod nito humihingi ng dispensa ang PAL sa mga naperwisyong pasahero.


Kinakailangan kasing pababain ang lahat ng pasahero at inspeksyunin ang buong eroplano at kanilang mga bagahe.

Paalala ni Villaluna hwag gawing biro ang usapin hinggil sa bomba lalo na’t may nangyaring pagsabog kahapon sa Sultan Kudarat.

Alinsunod sa batas, magmumulta nang hindi bababa sa P40,000 at maaari ding makulong nang higit sa 5 taon ang sinumang mahuhuling magbomb joke.

Facebook Comments