Manila, Philippines – Tiniyak ni PNP Chief Oscar Albayalde na sasampahan nila ng kaso ang pro-Duterte blogger na si Drew Olivar.
Ito ay dahil sa kanyang bomb joke na na pinost social media.
Ayon kay PNP Chief Albayalde, paglabag sa Presidential Decree 1727 O pagbabawal ng pagbibiro na may kinalaman sa bomba.
Sinabi naman ni NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, Mismong ang PNP na ang magsasampa ng kaso laban kay Olivar.
Ang pahayag ng PNP Chief ay matapos na humarap sa NCRPO si Olivar kahapon para humingi ng paumanhin at magpaliwanag sa kanyang pagpapakalat ng isang mensahe sa social media na nagbabala tungkol sa posibleng pambobomba sa naganap na September 21 rallies.
Una nang ikinatwiran ni Olivar na ginawa niya lamang ito dahil “concerned” siya sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Pero, iginiit ni Eleazar na kung may impormasyong hawak ang sinuman tungkol sa posibleng bomb threat, ito at dapat na iparating sa PNP at hindi ipinapakalat sa social media.
Posible na bukas maisampa ang kaso matapos nilang kumonsulta sa cyber crime group ng PNP.