Samot saring mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Device ang narekober ng mga elemento ng 33rd Infantry Battalion kasabay ng pagsuko ng sampung mga myembro ng New Peoples Army sa Barangay Malegdeg , Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.
Sinasabing nagmumula sa NPA’s Guerilla Front 73 na pinangungunahan ng isang Kumander Buloy na di umanoy matinik na Bomb Maker ang mga nagbalik loob sa pamahalaan sa naging panayam ng RMN Cotabato kay Col. Harold Cabunoc.
Kasalukuyang nasa custody na ng military ang mga sumukong NPA at nakatakdang ihaharap kay Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu. Nakatakda ring bibigyan ng pangkabuhayan ang mga sumukong NPA upang makapagsimula sa kanilang pagbabagong buhay.
Bago ang pagsuko, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng military at pnp si Kumander Dodong Baylon sa Isulan. Nakumpiska sa pag iingat nito ang isang rocket-propelled grenade, M16 rifle, 2 M14 rifles, isang vintage .30 caliber Springfield bolt-action rifle, 12-gauge shotgun, 3 shoulder-fire M-79 grenade launchers, at .38 caliber revolver.
33rd IB Pic