Bomb threat sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, pinaiimbestigahan ng DOJ sa NBI

Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang bomb threat na ipinadala sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Ito’y matapos bulabugin ng bomb threat ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaninang umaga.

Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, walang lugar ang ganitong uri ng pananakot at hindi ito makakalusot sa pamahalaan.


Nabatid na ang bomb threat ay galing sa isang e-mail sender na nagpakilalang Takahiro Karasawa, na Japanese lawyer mula sa “Steadiness Law Office,” at highly knowledgeable bomb-maker.

Bukod sa DENR, nakatanggap din ng bomb threat ang mga paaralan sa Bataan at Science Heritage Building ng Department of Science and Technology (DOST) sa Taguig City.

Kaugnay nito, tiniyak ni Remulla na hahabulin ng pamahalaan ang nasa likod ng bomb threat at pananagutin sa batas.

Facebook Comments