BOMB THREAT SA OLPCC, NEGATIBO AYON SA PNP

CAUAYAN CITY- Idineklarang bomb cleared ng PNP Cauayan at Explosive K9 Unit ang Our Lady of Pilar College Cauayan matapos ang masusing inspeksyon kahapon dahil sa natanggap na bomb threat ng Supreme Student Council ng naturang paaralan.

Sa panayam ng IFM News Team kay PLTCol. Ernesto Nebalasca Jr., Chief of Police ng PNP Cauayan, bagama’t maaring biro lamang ang bomb threat na ito ay kinakailangan nila itong bigyan ng pansin at seryosohin lalo na at paaralan ang sangkot rito.

Aniya, kaagad namang nagsagawa ng clearing operation ang PNP Cauayan kasama ang EOD K9 Unit at sa kabutihang palad ay wala namang natagpuan na bomba sa lugar.


Ito naman ang ikalawang beses na nagkaroon ng bomb threat sa lungsod simula nang umupo bilang Hepe ng Cauayan si PLTCol. Ernesto Nebalasca Jr..

Samantala, nagpaalala naman si PLTCol. Nebalasca Jr. sa publiko na maaaring makulong hanggang limang taon ang sinumang mahuling nagbabanta hinggil sa bomba.

Facebook Comments