Bomba na sumabog sa seawall sa isang bayan sa Masbate, iniimbestigahan na

Nakipag-ugnayan na sa PNP ang Philippine Coast Guard (PCG) upang malaman kung sino ang nasa likod ng pagsabog ng bomba sa Balud, Masbate.

 

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, inaalam na nila kung sino at anong grupo ang may kagagawan ng pagsabog sa seawall ng Brgy. Poblacion, Balud Masbate.

 

Paliwanag ni Balilo, 200 metro lamang ang layo mula sa Balud Municipal Hall kung saan nasira ang rescue boat ng naturang LGU, mabuti na lamang at walang nasugatan o nasaktan sa naturang pagsabog.


 

Natuklasan sa isinagawang imbestigasyon na isang lalaki na nakasuot ng stripe short pants at white sweatshirt tinatayang nasa 5’5″ ang taas at mayroong dalang backpack ang nakitang tumatakbo mula sa naturang insidente.

Facebook Comments