Bombang ginamit sa MSU blast, may high explosive chemical substance – PNP

Nabuo na ng Philippine National Police (PNP) ang narekober na fragments ng 60mm mortar at riffle grenade launcher na ginamit sa pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City noong Linggo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, kanilang tinitignan kung placed IED ang bombang pinasabog ng 2 suspek na sina Kadapi Mimbesa alyas Engineer at Arsani Membesa na kilala sa mga alyas na “Lapitos”, “Hatab” at “Khatab” na kapwa myembro ng Daulah Islamiya Maute group.

Ani Fajardo, sa inilabas na qualitative examination ng PNP Forensic Group, ginamitan ang pampasabog ng high explosive na TNT o Trinitrotoluene na isang chemical compound.


Paliwanag ni Fajardo, ang bombang ginamit ng mga suspek sa MSU bombing ay signature bomb ng grupo na ginamit din sa mga nakalipas na pagsabog sa Lanao del Sur.

Facebook Comments