BOMBING | Higit 50 patay sa suicide bombing sa Afghanistan

Kabul, Afghanistan – Patay ang nasa higit 50 katao habang 80 sugatan matapos umatake ang isang suicide bomber sa Kabul, Afghanistan.

Ayon kay Najish Danish, interior ministry spokesperson – pinasabog ng suspek ang kanyang sarili sa loob ng isang wedding hall kung saan natitipon ang mga Islamic religious scholars para gunitain ang anibersaryo ng kapanganakan ni Prophet Mohammad.

Itinanggi naman ng Taliban Militant Group na sila ang nasa likod ng pagpapasabog at mariing kinokondena nila ang pangyayari.


Itinuturing ito ni Afghan President Ashraf Ghani na ‘UN-Islamic’ at hindi kapatawad-tawad.

Idineklara ngayong araw sa kanilang bansa bilang araw ng pagluluksa.

Facebook Comments