Masbate City – Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipag tulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba pang ahensya ng pamahalan kaugnay ng naganap na pagsabog kagabi sa Masbate Port.
Patuloy na inaalam at iniimbistigahan ng Philippine Coast Guard District Bicol kung anong grupo o sino nag may kagagawan ng pagsabog na nagdulot ng bahagyang pagkakasira o minor damaged.
Ayon kay acting Commander ng Coast Guard Bicol Captain Danilo Enopia, bago naganap ang pagsabog sa Masbate Port sakop ng Bapor, Masbate City o 250 Metro ang layo sa Coast Guard Station isang mabilis na Motor Banca, mula sa hindi pa mabatid na direction ang naghagis ng bomba bago narinig ang pagsabog.
Mabilis ding tumakas ang hindi pa nakilalang mga suspek sa paghahagis ng bomba.
Agad namang nagsagawa ng panelling ang Coast Guard K-9 Unit sa lugar habang nagsagawa ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa naganap na pagsabog.
Pinagpapaliwanag naman ang mga nakatalagang Coast Guard sa Masbate Port, kung bakit naganap ang paghahagis ng bomba gayung maagang naitaas ang maximum alert sa kabuuan ng PCG, dahil sa naganap na madugong pagsabog sa Lamitan Basilan.