BOMBING INCIDENT | PCG sa Mindanao, inilagay na sa alert status

Nagbaba na ng mandato si Philippine Coast Guard Commandant Elson Hermogino na ilagay sa alert status ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard sa Mindanao, bunsod ng nangyaring pambobomba sa Sultan Kudarat nitong Martes.

Ibig sabihin nito, magsasagawa ang PCG ng mas madalas na pagpapatrol gamit ang mga PCG vessels at mga small boats coastal patrol teams.

Kabilang rin sa mga inalerto ang Quick Reaction Team ng Special Operations Group, K9 unit at Intelligence operatives.


Kaugnay nito, nagpaalala naman si Admiral Hermogino na iulat agad sa PCG ang anumang kakaibang pagkilos ng mga tao sa mga pier at maging vigilante tuwing babiyahe sa karagatan.

Matatandaan nitong Martes ng gabi, habang nagipinagdiriwang ang Hamungaya Festival, nang mangyari ang pambobomba sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
kung saan nasa 3 ang nasawi habang sugatan naman ang 36 na iba pa.

Bumuo na rin ng Special Investigation Task Force ang PNP, para sa mas mabilis na pagtukoy ng mga nasa likod ng pagpapasabog

Facebook Comments