Itinataas na sa alert level 4 ang seguridad sa General Santos kasunod ng nangyaring pagsabog sa Barangay Apopong kung saan walo ang nasugatan.
Ayon kay Colonel Adonis Bajao, pinuno ng Joint Task Force GenSan, dinoble na nila ang kanilang mga checkpoint sa lahat ng entry at exit point sa lalawigan.
Ipinag-utos na rin aniya ni PRO-12 Director Chief Superintendent Eliseo Rasco ang manhunt operation sa dalawang lalaking nag-iwan ng Improvised Explosive Device o IED sa lugar.
Facebook Comments