Bong Go, muling naghubad para ipakitang wala siyang tattoo sa likod

Muling naghubad si dating Special Assistant to the President Bong Go sa harap ng media para ipakita na walang tattoo sa kaniyang likod.

Ito ay taliwas sa inihayag ni Peter Joemel Advincula o mas kilala bilang alyas ‘Bikoy’ na sangkot umano si Go sa sindikato ng droga.

Ayon kay Go, isa lang ang dahilan kung bakit nabuhay ulit ang Bikoy issue gayong isang linggo na lang ay eleksyon na.


Samantala, inamin naman ni Senate President Tito Sotto III na dati ng may lumapit sa kaniya noong 2015 na katulad ng paratang ni alyas Bikoy.

Aniya, staff niya ang nakausap nito pero walang nangyari dahil walang lumadtad na nag-aakusa.

Facebook Comments