Bong Go, posibleng pamunuan ang dalawang major committees sa Senado

Ipinahayag ni incoming Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mapupunta ang Health at Housing committees kay Senator Christopher “Bong” Go sa darating na pagbubukas ng 18th Congress.

Una nang pinahayag ni Bong Go ang kaniyang pagsuporta sa leadership ni Sotto at interesado sa pamumuno ng apat na committee sa Senado.

Napagusapan sa ‘caucus’ sa bahay ni Senator Manny Pacquiao nitong Miyerkules ng gabi, na 95% na ang katiyakan na pamumunuan ni Sotto ang Senado at sa mga mamumuno ng mga major committees.


“With his continued leadership, we can solidify the support of the Senate to the legislative agenda of President Duterte,” dagdag niya.

Ayon kay Go, ipinalista ang mga preferred committees ng mga miyembro ng mayorya.

Sinabi niya ring kailangan muna ng desisyon ng ‘equity of incumbents’ at nirerespeto niya ang tradisyon

Facebook Comments