Bong Go seeks passage of bills to enhance national housing program: ‘every Filipino family deserves a decent home

 

Itinutulak ni Senador Christopher “Bong” Go ang mabilis na pagpasa ng mga panukalang batas na magpapahusay at magpopondo sa national housing programs at magkaloob ng
accessible housing services para sa homeless at underprivileged.

Ginawa ni Go ang pahayag sa pagdinig ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement , araw ng Miyerkules August 26.

“Let me reiterate that the need for proper and adequate housing has been a perennial problem plaguing the country since time immemorial. I have witnessed first-hand the situation of our fellow countrymen sa pag-iikot ko at pagbibigay tulong sa mga nasunugan,” saad ni Go, na siya ring vice chair ng naturang komite.


“At dahil sa pandemic, nadagdagan pa sila ng bagong kalbaryo. Nakakaawa po sila. Bigyan po natin sila ng pagkakataong makamit ang kanilang pangarap na magkaroon ng kanilang sariling bahay,” dagdag niya, kasabay ang pagbibigay-diin na ang bawat Filipino ay nararapat na magkaroon ng desinteng tirahan.

Ang Senate Bill No. 203, na tinawag ding National Housing Development, Production and Financing Bill, ay inihain ng senador noong July 2019.
Layun ng naturang panukala na kumalap ng pondo para dagdagan ang low-cost housing production; magbigay ng support mechanisms para pahusayin ang acces housing options; masiguro ang malakas, maasahan at abot-kayang housing finance system; at palawigin ang private sector participation, at maraming iba pa.

Aatasan ng naturang panukala ang Department of Human Settlements and Urban Development na magpatupad ng component programs ng NHDPF program.

Ipinupunto sa naturang panukala ang datus mula sa Philippine Statistical Research and Training Institute na nagsasaad na tataas ang housing demand sa bansa ng mahigit 6.57 million units mula 2017 hanggang 2022. Ang institute projects demand ay lalo pang sisipa sa 22.6 million units hanggang sa pagtatapos ng 2040.

Samantala, ang populasyon naman sa Informal Settler Families sa bansa ay patuloy na madadagdagan. Noong 2019 ay mayroong halos 2 million ISF’s sa Pilipinas.

Ipinunto ni Go, dahil sa limitadong pondo ay naaantala ang kakayahan ng gobyerno na pagkalooban ang milyun-milyong Pilipino ng karapatan sa desinteng tirahan.

Nabatid na wala pang isang porsiyento ang taunang badyet na inilalaaan sa pro-poor housing programs.

Sa kanyang manifestation, ay hiningi din ng senador ang suporta sa SBN 1227 o ang Rental Housing Subsidy Program Act na kanyang inihain noong December 10, 2019.

Layun din ng panukala na pagkalooban ng rental subsidy ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa natural at man-made disasters na may kasamang improved access sa formal housing market.

“Kailangan po natin matupad ang ating hangarin na wala dapat maging squatter sa ating sariling bayan. Gusto po natin na magkaroon ang bawat pamilyang Pilipino ng isang maayos at disenteng pamamahay. I commend the good Chairman of this committee for tackling these vital measures to alleviate our poverty-stricken countrymen amidst the pandemic,” pagtatapos ni Go.

 

 

Facebook Comments