Bong Go sends aids to market vendors in San Jose de Buenavista, Antique

 

Bilang pakiki-simpatya sa matinding epekto sa kanilang kabuhayan, naghatid ng samut-saring tulong ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go sa halos limandaang market vendors sa kabisera ng
San Jose de Buenavista, Antique araw ng biyernes, November 13.

“As soon na nalaman ko na patuloy kayong nahihirapan sa sitwasyon ngayon dahil sa COVID-19, agad akong nagdesisyon na magpadala ng tulong sa mga market vendors, lalo na sa mga iba’t ibang public markets dito sa bansa,” pahayag ni Go sa market vendors sa pamamagitan ng video message.

Namahagi ang mga staff ng senador ng food packs, meals, masks at vitamins sa mga benepisyaryo.


“Nagpadala ako ng pagkain, masks, medicines at vitamins para mananatiling malusog ang inyong pangangatawan. Gamitin ninyo ang mga masks at face shield din para maiwasan natin ang pagkalat ng sakit, lalo na’t araw-araw kayong nakikipagtransaksyon sa iba’t ibang tao,” wika ni Go.

Nagbigay din si Go ng mga bisikleta sa mga piling recipients dahil sa limitadong transportasyon para magamit sa kanilang pagpasok sa trabaho., habang ang iba naman ay nakatanggap ng tablets para magamit ng kanilang mga anak sa blended learning platform.

“Naiintindihan ko rin na hirap tayo ngayon sa transportasyon. Limitado dahil sa kasulukuyang health crisis na kinakaharap natin. Kaya ako nagpadala ng bisikleta para sa inyo. Mag-ingat lang din kayo sa kalsada,“ saad ni Go.

“Para sa mga bata, gamitin ninyo ang tablet para sa inyong pag-aaral. Nagpapakahirap ang mga magulang ninyo para makapag-aral kayo. Suklian ninyo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti. Isipin ninyo rin na puhunan ninyo ang edukasyon. Mga magulang, maraming salamat sa patuloy na pag-aruga ng inyong mga anak kahit mahirap ang panahon ngayon,”dagdag ng senador.

Ang mga kinatawan naman ng
Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, at Department of Trade and Industry ay naroon din sa aktibidad para naman magbigay ng hiwalay na ayuda sa
market vendors.

“Nariyan po ang DSWD, DTI and DA na magbibigay sa inyo ng tulong sa pamamagitan ng mga programa nila. Tulong mula sa gobyerno po ito,” Sabi ni Go.

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, hinimok ni Go ang mga vendors na mahigpit na sundin ang health protocols na ipinatutupad ng gobyerno upang maprotektahan ang kanilang mga sarili at kanilang mga customers sa COVID-19.

“Maghugas kayo ng kamay parati, mag-social distancing at magsuot ng mask at face shield. Kung hindi kailangan, ‘wag muna kayo lumabas ng bahay. Dapat patuloy po tayong mag-ingat dahil ang pera po ay pwedeng kitain kung magsikap tayo pero ang buhay ay hindi po nabibili ng pera,” paalala nito.

Muli namang iginiit ni Go ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaprayoridad ang kapakanan ng mga mahihirap at
vulnerable sectors pagdating sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Tiniyak din ng Pangulo na kapag available na ang bakuna laban sa COVID-19 ay mabibigyan ang higit na mga nangangailangan.

“Huwag kayo mag-alala dahil kapag may ligtas nang vaccine uunahin namin ang mga mahihirap at vulnerable para kayong mga nasa market ay makabalik na kayo sa normal na pamumuhay,” pagtitiyak ni Go.

“Magtulungan lang tayo at mag-cooperate sa gobyerno. Malalampasan din natin ang pandemyang ito kung patuloy tayong magbabayanihan at magmamalasakit sa kapwa natin,” dagdag pa nito.

Personal namang nag-alok ang senador ng tulong sa mga May medical concerns. Hinikayat niya ang mga ito na mag- avail ng medical at financial assistance mula sa bagong bukas na Malasakit Center sa Angel Salazar Memorial General Hospital.

“Pangako ko po sa inyo ang batas na ito. Hindi ninyo na pa kailangan magpalaboy-laboy para humingi ng tulong dahil sa loob na po ng ospital ang apat na ahensya. Lapitan ninyo lang po dahil ang target nito ay zero balance sa hospital bills,” Paliwanag ng senador na ang tinutukoy ay ang Malasakit Centers Act of 2019 kung saan siya ang author at sponsor sa senado kung saan naging ganap na batas noong
December 2019.

Matapos ang aktibidad ay kaagad namang dumalo si Go sa virtual
launching ng ika-91 Malasakit Center na matatagpuan sa Angel Salazar Memorial General Hospital sa lalawigan.

Facebook Comments