BONG REVILLA, BAGONG ANAK NG LALAWIGAN NG CAPIZ

Idineklara si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. bilang ampon na anak ng Lalawigan ng Capiz sa pagdiriwang ng Capiztahan 2025 na ginanap noong Linggo (Abril 6), bilang pag-alala sa ika-124 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pamahalaang Sibil ng Capiz.

Iginawad ang karangalang ito ni Gobernador ng Capiz na si Fredenil “Oto” H. Castro bilang pagkilala sa walang sawang suporta ni Senador Bong Revilla sa lalawigan at sa mga mamamayan nito sa paglipas ng mga taon. Sa harap ng masiglang pagtitipon ng mga taga-Capiz para sa selebrasyon ng buong lalawigan, buong pagmamalaking ipinahayag ni Gobernador Castro:

“Sa ilalim ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng mga mamamayan ng laalwigan ng Capiz dahil sa kanilang paghalal sa akin bilang gobernador ng lalawigan, ngayong araw ay aking ipinoproklama [at] pinaaabot ko sa lahat ng kinauukulan – sa kabundukan, sa karagatan, sa kapatagan ng lalawigan ng Capiz – na ikaw Senador Revilla, ay hindi lamang senador ng probinsya ng Capiz, kundi ikaw ay ituturing naming anak ng Capiz.”

Itaas ang kamay ni Senador Bong Revilla ni Gobernador Castro bilang simbolo ng kanilang pagkakaisa at pasasalamat, bilang pagpapakita ng suporta at pagmamalaki ng mga taga-Capiz. Sa parehong okasyon, pormal ding inendorso ni Gobernador Castro ang muling pagtakbo ni Bong Revilla sa Senado, lalong pinagtibay ang kanilang alyansa at tiwala ng mga Capiznon sa kanya.

Personal na nakibahagi si Senador Bong Revilla sa Capiztahan 2025 bilang pasasalamat sa patuloy na suporta ng lalawigan. Matagal nang malinaw ang ugnayan ng mambabatas at ng Capiz. Noong 2019 senatorial elections, kabilang si Bong Revilla sa limang kandidatong nakakuha ng pinakamaraming boto sa lalawigan – patunay ng matibay na tiwala ng mga Capiznon sa kanyang pamumuno.

Sa kanyang maikling mensahe, taos-pusong nagpasalamat si Senador Bong Revilla sa bihirang karangalan, at sinabi niyang siya’y lubos na pinakumbaba ng pagkilalang ito. Muli niyang pinagtibay ang kanyang pangakong maglilingkod hindi lamang sa Capiz kundi sa buong sambayanang Pilipino nang may dedikasyon at malasakit.

Habang inaalala ng Capiz ang higit isang siglo ng kasaysayan at pag-unlad, ang pagdeklara kay Senador Bong Revilla bilang ampon nitong anak ay isang makabuluhang paalala ng pagkakaisa, pagbabahagi ng mga pagpapahalaga, at patuloy na pagtutulungan ng mga pambansang pinuno at mga lokal na pamayanan.
-30-

Facebook Comments