
Mainit at masigabong pagtanggap ang sumalubong kay Senador Ramon Bong Revilla Jr., habang siya ay nangangampanya sa Cagayan de Oro at Tagoloan sa Misamis Oriental noong Linggo (Abril 13).
Buong suporta ang ipinakita ng mga residente, sabik na makita ang kilalang lingkod-bayan na tagapagtanggol ng mga karaniwang Pilipino.
Umani ng positibong tugon ang pagbisita ni Bong Revilla mula sa mga lokal na mamamayan, na nagpapasalamat sa kanyang serbisyong tinatawag na “Aksyon sa Tunay na Buhay.”
Ang tampok sa pagbisita ng senador ay ang sabayang pag-endorso ng mga pangunahing lider-pulitikal ng Misamis Oriental, sa pangunguna nina Gobernador Peter Unabia, Bise Gobernador Jigjag Pelaez, at Kongresista Christian Unabia.
Nakisama rin sa pagsuporta ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga alkalde, mga konsehal, at iba pang lokal na opisyal na hayagang nagpahayag ng kanilang suporta at sabay-sabay na itinaas ang kamay ni Bong Revilla.
Ang matibay na suporta mula sa mga lider ng lalawigan ay patunay ng tiwalang patuloy na natatanggap ng beteranong senador sa buong bansa at nagpapakita ng kanyang matatag na posisyon sa Mindanao ngayong papalapit na ang halalan.